March 21, 2013

Graduation Feels

G R A D U A T I O N  R E H E A R S A L S
Say hello to my Graduation Rehearsals Online Journal of Rants.
Di mo naman babasahin, keri lang. \m/


March 11, 2013
First day ng Graduation rehearsal na kasama ang second batch ng BHNHS Batch 2012-2013 graduates;
Birthday ni Bok Jal. :)

Sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko trip pumasok kasi nga hindi ko alam. Jk, tinatamad ako. Sino ba naman kasi ang hindi tatamaring pumasok pag 2pm-8pm ang practice niyo? Lol, not me. Arg. Dapat talaga hindi ako papasok ngayong araw na ito e. Kaso naisip ko, birthday ni Jal. Mas masayang batiin siya personally :) Tapos yun pala, may french fries party pala. HAHAHAHAHA :D :) At itong araw na ito, akala namin hindi na kami makakapagpractice kasi kailangan muna naming magpasa ng sensor. Buti nalang napapayag si Sir Ga. Ang masama lang, sa dulo muna kami nakaupo, at nung pinalipat na kami, asar na'naman ata sa'min ang mga regular students. :| :(



March  12, 2013
Second day ng Graduation rehearsal, obviously. :p

Nabawasan naman yung katamaran kong pumasok kasi narealize kong masaya pala magpractice. Kahit na walang upuan, gora lang. :) Nung pumasok ako sa school, tumambay lang kami nina Chamz at Angy sa kubo habang nagkekwentuhan at pinapatay ang oras. Little did we know, nagsimula na palang gumawa ng gradsong steps ang Batch 3 with Sir Saraza. Nyaay! After less than 30 mins., diretso sa court para turuan ang first batch ng graduates. Yaiks!! Next stop, 2pm with the second batch.


March 13, 2013
Third day ng Graduation rehearsal


Best day evahhhh. Joke! Pero masaya talaga ako ng araw na to kasi yung first time na kasama namin tumambay sa McDo si Tams Rodeann <3 <3 Napagplanuhan na ito kahapon. At hindi namin napansin, 12 pala kahapon. 3 months after that BaGang day. Hindi pa rin nila napansin, ngayon ko lang din napansin e. HAHAHAHAHA :D

Nom nom <3 :"""""">

Me and Puhre-ng Rhez :'>

Tams Rods and Brawhh Shiera :)

Malabong picture @ Ever Gotesco Commonwealth Expressions \m/
Lol sa kuyang nakatingin din sa camera via round mirror.

Dumaan muna kaming Expressions bago umuwi para bumili ng chorvang case na may garter na hindi ko alam ang tawag kasi kailangan ko para lalagyan ng files ko para sa UPLB chenes. Aww, college. :( :3 Tapos hindi na rin kami naglibot kasi may practice na ng 2pm at ayaw naming magHarlem Shake. ;)


March 14, 2013
Fourth day ng Graduation rehearsal

Same old, same old. Practice hanggang madilim na ang langit. Pero syempre, maaga pa sa lunch kung pumasok. Kesa naman 2pm na dumating sa school at mag-Harlem Shake na nakakaewan diba. Ayos na yun. =))) I just realized how fun it is to practice. Hindi pala masamang second batch kami na inaabot ng gabi, mas masaya pala pag hapon. Tsaka, di rin naman kasi mararamdaman ang takbo ng oras. :)


March 15, 2013
Fifth day ng Graduation rehearsal

Ito yung araw na hindi ako makapagdecide kung papasok ba ako o sasayangin ko ang chance ko na makita si Daniel John Ford Estrada Padilla aka my self-proclaimed husband na akala nina Mama at ng kapatid ko ay boyfriend ko lang. Haaay!! Alam niyo yung So close yet so far? Kami yun e, kami yun! Sa dami ng taong napagtanungan ko kung tutuloy ba ako o hindi, lahat sila sinabing ituloy ko daw. Isang absent lang naman yun e. Halos mangiyakngiyak na ako kasi hindi ko na alam ang gagawin ko. HAHAHAHAHA OA e! :D Tapos ayun, sabi ko na kapag finollow ako ng The Vamps sa twitter sa isang tweet lang, gogora ako. Uy te, finollow nila yung group account namin. Grabeng kabog ng dibdib ko nun. =))))) Niyaya ko na yung kapatid ko kasi wala akong kasama. Nagbihis na siya at paalis na kami kaso si Papa nagtanong kung nagpaalam ba daw kami kay Mama. E leche, may meeting si Mama nun kaya walang reply o sagot sa tawag. Sakit ng puso ko nun.

In the end, pumasok nalang ako. Pag dating ko nga school at nakita ko si Lola Shane na isa sa mga napagtanungan ko, grabeng depression naramdaman ko. Tapos nakita niya ako, ayun naiyak nalang ako sa sobrang sakit. HAHAHAHAHAHA tse! Tapos nagsidatingan yung mga classmates ko, yung mga napagtanungan ko kung gogora ako, nagtaka bat pumasok ako. Tapos si Lolo Leubs, pinatawa ako. Bestfriend niya daw si Daniel kaso sumikat, ayun nagkalimutan daw. HAHAHAHAHA, tapos kumanta siya ng kung anu-anong kanta ni Deej (close kay Dj, bakit ba? HAHAHAjk). Tapos biglang nagtext si Mama, wag ko na daw isama kapatid ko.....

I could have seen him, pero hindi ako tumuloy. Siguro hindi pa ito yung tamang time na makita ko siya. Hindi ko rin naman kasi siya malalapitan. :p Ewan ko, pero hindi na ako masyadong nalungkot nun. Kasama ko naman ang Batch 3 e. :)


March 16, 2013
Sixth day ng Graduation rehearsal;
Saturday :(

Ganun pa rin, practice. Hahahaha :D Kaibahan nga lang, Sabado ngayon. Eto yung araw na akala ko, hihilata lang ako sa bahay buong magdamag pero hindi pala pwede kasi may practice at ayaw kong umabsent. \m/


March 17, 2013
Seventh day ng Graduation rehearsal;
Birthday ng biological lola ko sa side ni Mama;
Sunday :o

Hindi ako umattend ng practice, HAHAHAHAHA. Hindi ko talaga to sinadya. Sadyang ganun talaga ang buhay. Anyway, andito ang 7 reasons kung bat hindi ako nakapasok:


  1. NAG-ONLINE AKO. Once na mag-online ako before something or somewhere to go, mahihirapan akong umalis sa harap ng computer na may internet.
  2. WALA AKONG BAON. Umalis kasi si Mama at Papa. Di ko alam kung saan pumunta. Pero nalaman ko (via Gallery of my mom's phone) na galing sa SM North, The Block. Okay lang naman, kaso nag-Starbucks sila. :| :(
  3. NAGUGUTOM AKO. May cake sa ref, pano yan? :p
  4. HINDI PA AKO NAGSISIMBA. Kasi hindi kami nakapagsimba nung umaga sa kadahilanang late na kami. 10am yung start ng mass tapos 10am palang kami aalis. Panget nun.
  5. DUMATING MGA PINSAN KO. Syempre, hindi ko sila makikita kung papasok ako kasi bago matapos ang practie, nakauwi na sila.
  6. LATE NA AKO. Narealize ko na gusto kong pumasok ng mga 3pm na, start ng practice. E ayoko namang sumayaw sa stage ng Harlem Shake no. :p
  7. TINATAMAD AKO. Kasi nga nag-online ako diba. :)

March 19, 2013
Last day ng Graduation rehearsal;
a day before our Graduation

Bigayan ng toga and graduation cap + practice with the first batch + panunumpa ng isang alumni + Graduation na bukas + bonding with Batch 3 + naghanda si Charls at Carlo = boo yah!

Brunch anyone? :D
 
Nom nom  :3

Kala niyo ba simpleng kainan lang yan? Hindi no. Ang bilis kaya maubos. Tapos gutom kaming lahat. Edi masaya. :p

Hindi pa nagsstart yung sulatan e. Kulit lang talaga nila. Ayy, si Shiera lang pala. :)

Halos lahat ng mga naunang magsulat, naglagay ng ESEP Batch 3 ako sa mga t-shirts nila.

Karamihan ng mga sulat, puro thank you, sorry, mamimiss kita, wag kang magbabago, at mahal kita.

Blouse ko yun ;)

Tapos nagsulat kami sa mga uniform/white t-shirts ng isa't isa. Lahat nagsusulat, lahat nagpapasulat. Lahat masaya. Lahat ng nag-eenjoy. Eto yung mga bagay na mamimiss ko sa Batch 3. Eto yung mga bagay na alam kong mahal naman ang isa't isa.






Thanks for reading more. :) ;)

xo S. ♥

No comments:

Post a Comment